Our new drawer with name tags made by Jie-jie.
After Jie-jie’s first tooth extraction.
We went to the dentist riding a pedicab with Mei-mei.
Alvynne still looks pretty even if she’s sick. :( Get well soon, jie-jie!
Ang hirap pala makatulog s LRT.
Sa gitna ng byahe, dahil sa puyat and sobrang pagod, hindi mo namamalayan na bumibigat na ang talukap ng mga mata mo at bigla kang maiidlip, na hindi mo kagustuhan.
Ayaw mo man sanang maidlip pero sa hindi maintindihang dahilan, mamamalayan mo na lang na nakatulog ka na pala.
Sobrang dami ko ng karanasan sa pagidlip na yan sa LRT. Andyan na yung makakalagpas ako sa station na dapat kong babaan, pero syempre, magpapanggap ka pa din na parang walang nangyari at bababa sa tren na nakataas pa din ang noo, pero ang totoo, badtrip ka na kasi, bukod sa kaylngan mo ng magjeep pabalik sa station na dapat mong babaan (hindi naman kasi worth ang pamasahe sa LRT kung mag-train ka ulet) maglalakad ka pa sa sobramg init! :D Andyan din yung, dahil sa pagmulat ko ng mata eh nasa station na pala ako na dapat kong babaan, sa sobrang pagmamadali at ‘pag-retain’ ng poise, naiwanan ko yung precious baunan ko. :D
Meron pang eksena na pagkagising mo, macu-curious ka kung anu naging itsura mo habang natutulog ka at hindi ko na mapigilang mapangiti. Kapag ganun na ang sitwasyon, ilalabas ko ng ang phone ko at magpapanggap na nakabasa ako ng nakakatawang text, sabay ngingiti (lusot!). Malamang matatawa ka talaga, sa araw araw na pagsakay ko sa LRT, iba’t ibang klase na ng taong natutulog ang nakikita ko; meron dyang…nabibitawan ang hawak (magugulat pa yan kung bakit nangyari yun), merong akala mo may hydrocephalus (sana tama spelling ko?) na sa sobrang bigat ng ulo eh kung san san na nakakarating. Meron ding nauumpog tapos titingin sayo kung nakita mo ba, at ikaw naman titingin sa iba, titingin ulet sa phone at sabay ngingiti.
Siguro tinatanong nyo kung bakit ko naisip magsulat tungkol dito, isa lang ang rason… nakatulog ako kanina! Hahahaha at ganito ang nangyari…
Paglabas ko ng office, hindi muna ako nag-shades kasi wala pa naman si haring araw. So, suot ko pa din ang ‘ms. Minchin’ eyeglasses ko. Sumakay ng jeep papuntang LRT, at dun na naganap ang nakakatawang eksena…
Gaya nga ng sabi ko kanina, dahil sa puyat and pagod ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ng mata ko, nasa Pedro Gil na ako (galing ako ng Buendia). So, I decided to wear na may shades, dahil pasikat na si haring araw (pero ang totoo para hindi nila kunwari makita na tulog ako). Nag-try talaga ako to keep myself awake sa pamamagitan ng pag-observe sa mga tao sa LRT. Well, wala naman masyadong exciting dahil puro babae kasama mo bukod pa dun, puro estudyante.
Nagpaparamdam na naman si talukap. So, hinayaan ko na lang syang bumaba (taray!).
Zzzzzzzz…
Tumunog ang warning buzzer na kinagulat ko, as in gulat na may matching na pag-angat ng pwet ko sa upuan. Syempre center of attraction ako, kulang na lang kasi sumigaw ako sa sobrang gulat ko. Pero syempre din, dahil sa ma-poise akong tao, nginitian ko silang lahat ng bonggang-bongga! Kahit na gusto ko talagang tumawa dahil sa pag-imagine ko kung anong itsura ko nun.
The good thing is hindi ako nakalagpas sa station na dapat kong babaan, nasa blumentritt station kasi ako nun. So, pagdating sa Abad Santos, as usual, bumaba ako with my head up high, and naglakad ng ‘catwalk’ walk ko na parang walang nangyari…
Taray!
“You cant always get what you want, because God will only allow you to get what you only need.”